Kuwento Lang.
My kwento ako.
Yung kebigan ko na pinoy na galing tate....o baka yung pinsan ng kebigan ko na laking tate....ay ewan, basta ganun, basta kinuwento saken ng kebigan ko na nasa tate....eh....basta yun na yun.
Ok game. Yung kwento na.
Teka...oo pinsan ata nya...sige...gawin na lang natin pinsan nya.
O game na talaga.
Yun pinsan daw nya na isteytsayd, umuwi daw ng Pinas. Syempre naglakwatsa doon. Fil-Am ba naman eh. Nagbakasyon daw sa Dumaguete. Natuwa daw sya mashado, bumili ng souvenir shirt.
Tapos bumalik na sa isteyts.
Nasabi ko ba na natuwa sya mashado? ok, nasabi ko nga. So pumunta daw sya sa park...nagstroll stroll (mahilig sila magstroll dito e) at syempre suot suot and kanyang souvenir shirt.
Tapos nagtataka daw sya kung bakit tingin ng tingin sa kanya yung mga tao. Pati daw yung mga nagjojogging tumitingin sa kanya. Lalo na daw yung mga itim.
May lumapit daw sa kanyang itim.
Sabi, "hey, you know that we aren't called that anymore, don't you?", sabay turo sa kanyang shirt.
Tingin daw agad sha sa tshert nya may mga puno ng buko na nakadrowing....nakasulat, "I Love Negros".