Wednesday, June 21, 2006

babayu

uy paalis na ako ng Pinas.

Iiwan ko na ang mga mahal ko sa buhay. Kelangan ko na kumita ng dalars. Para mabilis magkaroon ng milyons. Para may pambili ako ng ...ano ba gusto ko bilhin? wala naman. ah para mabili ko kung ano man yung gugustuhin kong bilhin in da pyutyur.

ay alam ko na. gusto ko ako yung magpapadala ng balikbayan box. ayun. tapos pag balikbayan na ako mag iisleyng isleyng naman daw ako kunwari. sosyal.

paalam sa iyo pilipinas. di mo ako kayang alagaan eh. kalimutan na lang tayo. ahehehe. muna lang naman. babalikan naman din kita eh. pag ayos na ako. pero sa ngayon, fly fly away muna.

paalam mga kebigan. sus, di naman talaga tayo lagi nagkikita eh. dumadaan nga isang taon na di tayo nagkikita eh. di nyo ako mamimiss. sus, lokohin nyo lelang nyo.

paalam sa pamilya ko. (yung mga iyak iyak ireserb naten pag andun na tayo sa departure area ng erport, wag muna ngayon, baka maubos ang luha).

sa aking mga blogmates, nye, wala lang. di naman talaga tayo magkakakilala eh. sows. at magkikita kita din naman tayo dito.

paalam Pilipinas.

****
tae, wala pa pala akong tiket.

Thursday, June 08, 2006

Copycat

Habang kumakain ako ng hapunan isang gabi, nanonood ng tv yung nanay ko.

Patalastas ng isang soap opera sa isang malaking istasyon. Narinig ko na lang nanay ko, madamdaming ginagaya yung sinasabi sa telebisyon.

"You're nothing...

but a second rate....

trying hard...

SECOND RATE!!!"

Muntik lang naman ako nabilaukan.
[ View Guestbook ] [ Sign Guestbook ]
Get a FREE guestbook here!

Free Web Counter