Wednesday, June 21, 2006

babayu

uy paalis na ako ng Pinas.

Iiwan ko na ang mga mahal ko sa buhay. Kelangan ko na kumita ng dalars. Para mabilis magkaroon ng milyons. Para may pambili ako ng ...ano ba gusto ko bilhin? wala naman. ah para mabili ko kung ano man yung gugustuhin kong bilhin in da pyutyur.

ay alam ko na. gusto ko ako yung magpapadala ng balikbayan box. ayun. tapos pag balikbayan na ako mag iisleyng isleyng naman daw ako kunwari. sosyal.

paalam sa iyo pilipinas. di mo ako kayang alagaan eh. kalimutan na lang tayo. ahehehe. muna lang naman. babalikan naman din kita eh. pag ayos na ako. pero sa ngayon, fly fly away muna.

paalam mga kebigan. sus, di naman talaga tayo lagi nagkikita eh. dumadaan nga isang taon na di tayo nagkikita eh. di nyo ako mamimiss. sus, lokohin nyo lelang nyo.

paalam sa pamilya ko. (yung mga iyak iyak ireserb naten pag andun na tayo sa departure area ng erport, wag muna ngayon, baka maubos ang luha).

sa aking mga blogmates, nye, wala lang. di naman talaga tayo magkakakilala eh. sows. at magkikita kita din naman tayo dito.

paalam Pilipinas.

****
tae, wala pa pala akong tiket.

28 Comments:

Blogger kero said...

not goodbye. so long lang. promise mo paguwi mo, kaw manlilibre ha. God bless. *mwah*

10:37 PM  
Blogger yuri said...

nako isa ka ng "expat" hahahahah. saan ka ppunta duke. balita namna dyan!

11:26 PM  
Anonymous snglguy said...

Hey Doc! Good luck in your internship in them thar hills in Texas. Baka pagbalik mo e, me Teaxs drawl na ang ingles mo!

11:35 PM  
Blogger atticus said...

oist. sana kunin mo muna iyong ipinabigay ko sa kaibigan mo sa unang hirit. ingat lagi, doc. pakabait.

at bumili ka muna ng tiket.

8:47 AM  
Blogger tin-tin said...

kailan ba alis mo at wala ka pa palang ticket? hahaha. bumili ka na. baka maiwan ka pa ng eroplano ;p

9:46 AM  
Anonymous Anonymous said...

hay, salamat at umalis din (sa wakas)! may diyos pa rin pala nagmamalasakit sa akin!

ingats ka ha anak (ng tatay mo)

...nanay mo

11:55 AM  
Blogger chumsychums said...

IBANG LEVEL!

12:38 PM  
Anonymous mei said...

aww...mami-miss ka na-... nila! hehe. mag-blog ka pa rin doc ha. ingat kaw dun! wish ko sana maintindihan mo na nang maigi ang mga sentence nila. =) Godbless doc!

9:42 PM  
Blogger j said...

Too bad that most talented guys like you need to leave our country to earn a living. Promise to come back Duke!

12:08 AM  
Blogger gwapo_na_baktin said...

duke, baktin is 'biik' in bisaya.

wag ka ng magblog. di bagay.
;)

kakadischarge ko lang sa hospital duke. ang hirap (at ang gastos) pala magkasakit. when i paid for my doc's pf... parang wow. sana naging doktor na lang ako.

Godspeed sa paglalakbay.

3:06 PM  
Anonymous Toe said...

Hey, porket ba blogmates lang kami, wala kaming pasalubong sa ipapadala mong balikbayan box? :) Good luck Duke! May you find success (and love) in wheverever you go!

Bili ka na ng ticket... bilis! Ano bang sine papanoorin mo?

10:08 PM  
Blogger Penny Lane said...

ang QRS complex magiging isteytsayd na hee hee.

ingat. sige, magkalat ng lagim sa ibang bansa ;)

2:02 AM  
Blogger Penny Lane said...

at uy, uy, punta ka Seattle Grace Hospital. kidnappin mo McDreamy. adik ako dun ngayon eh hehe.

teka, teka, san ka nga punta? ;p

2:08 AM  
Blogger Rudy man said...

doc, kung kasya ang isang chika sa balikbayan box ah padala ka. bwaha tae! gudluck!

11:26 AM  
Anonymous Anonymous said...

hmmm...siguro nga ni na tayo magkikita bago ka umalis. sabagay, di naman kita masyadong ma-mi-miss...medyo lang.:)ingat lagi. God bless.:)

12:52 PM  
Blogger teripotz said...

naks. san ka sa states? para pag napunta ako dun may discount pag sayo ako nagpagamot. haha

pasalubong pagbalik!

3:48 PM  
Blogger f.r.i.e.d.w.a.t.e.r. said...

babayu! pagdating mo sa states, pakihanap mo dr. george house, doktor din siya, dun siya sa Princeton-Plainsboro Teaching Hospital in New Jersey. pakikumusta na lang ako sa kanya. pakitanong kung bakit ayaw niya ke dr. cameron. kung yaw niya kamo, akin na lang. bye duke!

6:50 PM  
Blogger Tani said...

hay naku... correct ka dun... for all your kajologsan, high maintenance ka... di ka kaya alagaan ng pinas... anyway, take care of yourself don. nakita ko picture nyo nina toto at redel.. ang payat payat mo na.

8:22 AM  
Anonymous bugsybee said...

Bakit naman "babayu"? Di ba mag bo-blog ka pa? Maybe next time yung post mo me "American twang" na. Godspeed Doc Duke! Be safe.

8:01 PM  
Anonymous miwa said...

Good luck. Pangarap ko rin makapagpadala ng balikbayan box. I hope you have a great time there. :)

9:43 AM  
Blogger sam said...

ingat ka palagi... mag blog ka pa rin ha? promise mo! mwah!

6:55 PM  
Blogger cruise said...

padala ka balikbayan box. size ng damit ko medium, tapos yung paa 280. hehehe.

joke. ingat! ingat sa pagpapayaman...

4:06 PM  
Blogger duke said...

kero. so long talong! libre ko pagbalik ko! pramis. tapos ikaw sa sine. wakekeke.

yuri. anong expat? parang matandang nakakalbo yan na puti sa ibang bansa ah. yan ang alam ko sa expat. wahahahaha. ditu aku sa isteytsayd.

snglguy. salamas! asa pang magtexas drawl ako. baka wala na ako dugo pagbalik ko. tulo na lahat sa ilong ko.

atticus! salamat sa buk at sa tshert! nabasa ko na yung kalahati ng buk bago pa ako nakaalis. hehehe.

tin-tin. last minute photofinish ako as usual. 10pm ko nabili tiket ko tapos lipad ko ng 6am the next day. ang galing galing!

anonymous. huy sinu kaw? di alam ng nanay ko tong blog ko no! pag nalaman kong alam nya tong blog na to eh isasarado ko na! hehhe.

chumsychums. highest level!

mei. salamas. di nila ako mamimiss. asa pa. pusa ko lang makakamiss saken. hehehe.

jairam. naks. talented. ako? hahaha. (me tambling tambling). ang galeng ko no? wag ka malungkot. kse dadami pa yan. hahahahaah. iwanan na ang pilipinassss!!!!! tae.

gwapo_na_baktin. sows. kakapiranggot lang yang PF na yan. sana lumaki yung PF ko. sana milyons. milyon zillion bagillion.

toe. salamat. wala! wla kayong pasalubong! hahahahaah! ayoko kayo ituring na gastusin. baka may tax tax pa kayo! hehehe. salamat.

penny lane. oo nga. jologs na isteytsayd. ampanget. hahaha. san ba ako pupunta? sa isteyts. at sino yang mcdreamy na yan. sa gray's anatomy ba yan? kung sino man sya.

rudy man. tae kasya sa balikbayan box. papadala ako sayo ng tae? yun lang naman namimis mo sa blog ko eh. tae lang. hahahahah. tae mo.

anonymous. sino ka naman? dapat naman nagpapakilala para di na ako napapaisip.hehehe. pero kung di mo ako mamimiss eh ok lang na wag ka na magpakilala. hahahaha.

teripotz. dalars na singil ko ngayon! hahahaah. sus, training lang eh. wala naman akong PF eh. tagal pa yun!

friedwater. ayoko sya hanapin. baka sungitan lang ako nun. hehehe. saka di ko inaabangan yung series nya eh. at ano na naman ba nangyari sa blag mo at nagsara ka na naman?! may istoker ka ba? email mo saken kung saan ka lumipat, bilis! tae neto.

tani. di naman ako payat eh. ang laki nga ng tiyan ko. hay naku, di ako high maintenance. ang jologs ko nga eh. pero di pa din ako kaya sustentuhan ng bansa ko. ibig sabihin mas jologs ang bansa ko. pero wala na pag-asa yun kaya iwanan na lang. di na tayo nagkita. di ko na naibigay yung cds mo. tho actually di ko na din nahanap. waahahahahaha!

bugsybee. magbablag pa din po ako. at walang tweyng. pramis. di nyo maririnig yung tweyng. baka duguin din mga ilong nyo eh. hahaaha. salamat salamat!

miwa. thanks. sus, bili ka ng box tapos maglagay ka ng kahit ano, tapos padala mo na. bili sa sa subic tapos padala mo sa kung kanino. ganun din ang laman nun. damihan mo lang ng styro sa loob. hahaha!

sam. salamat! magbablag pa din po!

cruise. heheehe. sige, padalhan ko kayong lahat ng free size na sapatos. hahahaha! salamat, pare.

UY SA INYONG LAHAT, SALAMAT HA. PAPAKABAIT AKO, PRAMIS. HAHAHAHAHA!

9:15 AM  
Anonymous Major Tom said...

No goodbye is permanent...Good luck to this very good endeavor of yours and bon voyage...Some great things are waiting for you Doc,...

3:24 PM  
Blogger atticus said...

nalongkot na ako. alam ko kasing wala ka na sa pinas. malongkot.

6:30 PM  
Blogger Being Jerome Daclison said...

(hysterically delivers dialogue ala Vilma Santos with matching laki ng mata) isa kang talipandas sa bansa!!! sigeeeeh! lomayas kaah! (ummaatras habang dini-deliver ang linya) hindi ka namin kailangan!!! (mapapasandal sa dingding) layaaaasss! (ngangawa nang malakas habang nagsa-slide down sa dingding hanggang sa mapa-upo ala LT) ....and CUUUTTTT!

Mami-miss ka namin, panget! hahahaha! abnormal di ba? huy, update mo link ko ha? lumipat na ko wordpress. http://aborrowedlife.wordpress.com

7:25 PM  
Blogger duke said...

major tom. serious mashado, hehehe. salamat po!

atticus. senti ka mashado!

jeromedaclison. vilmanian ka ba? bakit walang nura?

11:52 AM  
Blogger atticus said...

*hikbi*

2:18 PM  

Post a Comment

<< Home

[ View Guestbook ] [ Sign Guestbook ]
Get a FREE guestbook here!

Free Web Counter