Friday, December 17, 2004

Danigurl


Palagi naming iniisip dati kung cute nga ba talaga ang pamangkin namin o sadyang bulag ka talaga pag kamag-anak ka at ipagduldulan mong cute ang pamangkin mo kahit hinde. Kse madami dyan na nagpupumilit na cute ang anak nila tas mapipilitan kang sabihin “ay ang kyot naman” kahit na nandidiri ka sa totoo lang at ayaw mo man lang hawakan. Pero anong magagawa mo, kebigan mo ung magulang, kaya sige, konting pisil pisil sa pisngi. Malala pa pag pinabuhat sayo kse naniwala silang sincere ka sa sinabi mong kyot ung bubwit. Ang ginagawa ko pagpinakarga saken ung panget na bata ay kukurutin ko nang palihim tas iiyak ung bata saka ko sasabihin, “ay ayaw saken”, sabay balik sa nanay.
Pero sa ayaw nyo’t sa gusto, kyot kyot ng pamangkin ko. Period. At kung sana andito pa sya sa pinas, ay ipapabuhat ko din sya senyo kahit na ayaw nyo. Posted by Hello

0 Comments:

Post a Comment

<< Home

[ View Guestbook ] [ Sign Guestbook ]
Get a FREE guestbook here!

Free Web Counter