Wednesday, August 06, 2008

Edouard

Narinig ko yung pangalan nya kahapon. Pinaguusapan sya ng mga nars. Isip ko naman pasyente sya na may issue.

Tapos narinig ko na lang, pinapauwi na ang ibang empleyado. Isasara na daw yung building by 5pm kaya dapat daw wala nang tao dun by then. Kinansela ang klinik para sa susunod na raw. Ang buong ospital, mga essential personnel na lang ang matitira kasama ng mga pasyente dahil kay Edouard.

Si Edouard. Tropical Cylclone pala. At paparating na sya. At naka Hurricane warning 1 na pala kami. At ako si tanga.

Ang iba kong kasamahan ay nagsilikas na papuntang Houston.

"Duke, if ever they call for an evacuation, you're welcome to join us in Houston. Just give me a ring, ok?"

"Hey thanks. I'll be sure to call you if i need a place to stay. "

Ayan, mababaet naman sila.

Sabi nila, magstock daw ng madaming pagkain. Lahat ng tao pumunta sa grocery. Ubos ang carts sa grocery! At mahaba ang pila.

Ako, nagmamadaling pumunta magrent ng DVD kse wlang pasok bukas, yey!! Ako lang mag isa nagrerent ng DVD.

Sabi nila, bumili daw ng mga batirya kase daw baka mawalan ng kuryente.

Bumili ako ng mga batirya! Pag uwi ko sa bahay.....di ko alam kung saan ko gagamitin yung batirya ko. Wala pala akong flashlight. Ang galeng ko.

Magstock daw ng drinking water.
Madami akong coke at juice. Yung 3 malalaking galon ko ng tubeg sa bahay ay hanggang pasko aabutin. Akchali, isang buwan na yung mga yun, di pa nababawasan.

Magstock daw ng pagkain.
Ay, sa lagay ko ngayon na mag isa lang ako sa bahay, delata lang talaga kinakain ko kaya madami akong delata dyan.

Binaba ko mga storm shutters ng bahay ko para di mabasag mga salamin. Nanuod ako ng DVD. Inaantay ko si Edouard. 4am na ako natulog pero wala pa din si Edouard.

Nagising ako mejo hapon na. Parang tahimek. Erkon lang naririnig ko. Sumilip ako sa labas. Wala. Walang pagbabago.

Dumaan na pala si Edouard di ko ma lang naramdaman.

Gentle pala sya.

15 Comments:

Anonymous Anonymous said...

nagrent ng dibidi lol. parang tanga lang. -Alan Tanga

3:35 PM  
Blogger kero said...

gleng gleng naman. ano nirent mo?

8:27 PM  
Anonymous Anonymous said...

This might help: http://www.galveston.com/hurricaneguide/publicsafety.pdf

1:50 AM  
Anonymous Anonymous said...

Sana ganyan kagaling ang storm warning and evac system dito sa 'pinas no?

Oh well, good to know you were home safe and bored.

9:16 AM  
Blogger jho said...

dito sa pinas kahit na anong pagpapalikas sa mga tao dahil sa bagyo walang epekto e. matigas ulo nun iba. tapos pag may nangyari sa kanila, sinisisi ang gobyerno...

pero madalas din naman palpak ang mga forecast e.

Battery tapos walang flashlight? hahaha san mo isasalpak yan batery? ibalik mo baka makapag refund ka pa. hehehe

12:55 PM  
Blogger UtakMunggo said...

pasaway ka pala. haha

diba dapat kapag duktor eh healthy living? okay lang ba naman ang lagay ng mga kidney mo at di ka nainom ng tubig?

1:52 PM  
Blogger prinsesa000 said...

hindi ka talaga natakot sa warning no ? nagpapanick na silang lahat at nakuha mo pang magrent ng dvd buti di ka tinangay ni edouard habang natutulog ka...

6:19 AM  
Anonymous Anonymous said...

hulaan ko kung ano mga ni-rent mo:
"one hello" at "a very special love"
nyork nyork :p

1:52 PM  
Anonymous Anonymous said...

Buti na lang lumipas na ang bagyong si Edouard. With the Katrina disaster, every hurricane should be always prepared and cautioned with.

5:23 AM  
Blogger tin-tin said...

so ano naman ang pinanood mong dvd?

2:41 PM  
Blogger atticus said...

asus! paano na lang pag flatmate mo na si miss USA? manonood na rin lang kayo ng dvd?

ingat lagi. ayokong mabawasan ng supplier ng libreng libro.

8:03 PM  
Blogger Ely said...

boyscout, laging handa. hehe. san ba dumaan si Edouard?

4:44 AM  
Blogger PoPoY said...

ayos yan doc duke. mabuti na rin at naghanda ka. ndi mo naman kasi alam yung lakas ng bagyo. baka yung maliliit na buntot nya lang yung napadpad dyan sa lugar mo.

buti na lang ndi yan katulad ni Huricanne Katrina.

Ingats na lang dyan Doc Duke!!!

4:30 PM  
Blogger TENTAYâ„¢ said...

ahahhahaha natawa ko sayo. nagkakagulo na tulog ka lang. panalo un hirit mo eh. hahaha

7:46 AM  
Blogger Abou said...

ha ha katuwa ng mga pangyayari

10:13 PM  

Post a Comment

<< Home

[ View Guestbook ] [ Sign Guestbook ]
Get a FREE guestbook here!

Free Web Counter