Monday, June 23, 2008

Fineaffol

June 21. Formal evening.

Catherine: Dr. Duke! you look so handsome in your pineapple!!
Me: huwaa?!

ay. nakabarong pala ako.

palaging hit ang barong ko dito sa mga formal gatherings eh. Lahat sila gustong pisilin yung barong ko. Feeling ko tuloy pang show-and-tell ako palagi. Tapos palagi nila pinapaulet saken kung pano bigkasin yung barong. Uulitin ng mga kano, "Bawong. I like your bawong. Where can i buy a bawong? " Tapos uulitin ng mga espanyol, "Bahrrrowwng." hanep. hayup.

ang di nila alam eh iisa lang ang barong ko. at etong barong na pinipisil pisil nila eh parehong barong na pinisil pisil din nila last year. (na hindi pa ata nalalabhan, but tenks to Hugo boss na mabango). Akchali, nakuha ko lang tong barong na ito kse nag-abay ako sa kasal. ang cheap ko.

pero aliw pa din sila. parang palaging first time nila nakikita palagi. parang mga baliw.

Ang barong. Bow. Proudly, philippine made.



11 Comments:

Blogger ponCHONG said...

that's a great choice. mas dagdag pogi points ang barong kesa coat and tie.

3:05 PM  
Blogger kero said...

feeling pogi ka nanaman. pabili ka na ng bagong barong kay mother.

1:36 PM  
Blogger atticus said...

teka, bakit pineapple?

puwedeng negosyo iyan. padalhan kita ng barong. ibenta mo riyan. para hindi lang ikaw ang pogi.

7:16 PM  
Blogger panyang balani said...

This comment has been removed by the author.

11:16 AM  
Blogger panyang balani said...

barong and sarong go together equals basarong. hehehe. Umulan man o bumagyo, kahit mababasa ang barong mo oh doctor ko eh pogi ka parin. hehehe. gwapo talaga ni duke. haha. "fineaffol" or "find a fool" to wear the barong. finally found that fool---DUKE! haha. peace doc. labshow. hehehe. ;

11:19 AM  
Anonymous Anonymous said...

hwaw! i'm sure lalo kang gwapo sa iyong varong. post ka ng pic. yung parang camwhore. hahahaha. next time, mag-muslim inspired ka naman. Ginoong Filipinas ka na! Amvasader op Goodwill Bookstore!

Pa-hug nga! MMMMMMM

7:03 PM  
Blogger jho said...

nest time subukan mo yung bahag lang ang isuot. ay, formal evening nga pala. e di barong ang bahag. hehehe

5:17 AM  
Anonymous Anonymous said...

Hanep, model-modelan ang drama! Hahaha! Ano namang event yan!

2:04 PM  
Anonymous Anonymous said...

Hi Duke. Sulit na sulit yun barong mo! hanep! :)

11:42 AM  
Blogger Kodak Picturezzz said...

dapat nag turban ka. mas bagay. :)

2:40 AM  
Anonymous Anonymous said...

ano kaya pakiramdam ng naka-barong tapos me thermal sa loob. hehehe!
-friedwater

7:14 AM  

Post a Comment

<< Home

[ View Guestbook ] [ Sign Guestbook ]
Get a FREE guestbook here!

Free Web Counter