Uhog
Di ko matandaan kung kelan ako natuwa sa ilong ko. Maliit pa ako singhot na ako ng singhot. Nakausap ko nga kelan lang yung kaklase ko nung elementarya, sabi nya uhugin daw ako. Yun lang daw ang naaalala nya. Kadiri no?
Pag umuubra yung kati ng ilong ko dati, ang gusto ko gawin eh gupitin sya tapos ilatag sa mesa at iharap saken yung loob. Tapos kukuskusin ko ng steel brush dahil sa kati. Syempre di ko ginawa yun. Pero muntik muntikan na. Mga nagawa ko na sa ilong ko dahil sa kati...kinamot nang kinamot hanggang dumugo... tinusok ng karayom tapos nilagyan ng alkohol...pinasukan ng yelo yung loob....nilagyan ko ng mouthwash sa loob...nilagyan ko ng vicks vaporub....nilublob ko buong mukha ko sa iced water....at marami pang iba.
Ang turo ng titser ko dati, ang ilong ay isa sa five senses at ginagamit daw ito para pang amoy at para huminga. Nyeh, eh hindi nga ako humihinga sa ilong ko e. Pag natutulog nga ako, nakabuka bibig ko at may nakapasak ang tisyu sa mga butas ng ilong. Actually, isa sa mga greatest fears ko dati ay makidnap. Kse napapanood ko sa pelikula na ang mga nakikidnap eh nilalagyan ng duct tape yung bibig hanggang palayain sila ng bida. Naku, eh di kung ako yung kidnapin tapos i-duct tape bibig ko, e di namatay na ako agad at natapos yung pelikula. Buti na lang di kami mayaman kaya di ako nakikidnap. At palagi akong bida.
Hiskul. C.A.T.(oo, c.a.t. pa tawag dun noon) Platoon lider ako nun e. May pa-sword sword pa ako nalalaman. Marunong pa ako sumaludo gamit ang sword ko. "Tanghaaaaaaaaalll......TAAAA!!" Maniwala kayo't sa hinde, yung matulis na dulo ng sword ko ay pumasok sa right nostril ko at muntik nang butasin ang ilong ko. Pramis, nakakahiya. Kse duguan na sya habang nasa formation. Naiiyak na nga ako sa saket eh isa isa pa ako nilapitan ng mga nasa platoon ko..."ser, ser..ok ba kayo?". Ay tae, iwanan nyo ako! iwanan nyo ako! sana lamunin na ako ng lupa ngayon din!!!!!!!
Nung college ako, bumili ako ng giniling sa casaa. Tapos naisip ko, di ako gutom kaya pinabalot ko na lang kay manang. Tapos nagklase na ako. Tapos umuwi na ako. Tapos naalala ko yung giniling ko sa bag. Nilabas ko at nilagay sa plato at inumpisahang kainin (sa dining room yun ha). Tapos etong ate ko nasa sala, sabe..."Ano yung naaamoy kong mabaho?"...Syempre ako naman walang pakelam, subo lang ng subo....tapos dumating ate ko sa mesa ko...inamoy pagkain ko...panis na daw. Hanggaleng.
ROTC. Takot na takot ako dati magkamali sa ROTC kase ayoko mag push up (kse hanggang lima lang kaya ko gawin). Kaya laging charoled and aking garrison belt at boots. Tapos starched lagi ang aking uniporme at pati yung aking beret ay laging ayos. Ayun, nilagay ako sa marching platoon. Tae. E bawal gumalaw pag nasa formation. Ay tae talaga. Tapos di ako makasinghot kse sobrang barado. Ayun hahayaan kong tumulo sipon ko kse ayoko lang mag push up. Antanga no?
Medskul. Nung nagmemedisina ako at nagaaral sa library (di naman palagi), mahirap suminghot kse masunget yung librarian. Kaya ang ginagawa ko, pinapasakan ko ng tisyu yung ilong ko at nakayuko ako nagbabasa. Minsan nakakalimutan kong tanggalin yung nakapasak.
Clerkship. Sa operating room. Sterile area, sterile technique. Susme. Ang linya ng mga residente at consultants ko dati..."Nurse..pakipunas ang pawis ng noo ko." Syempre gusto ko sabihin..."Nurse...yung ilong ko please..". Pero hindi ko sinabi. Kaya makikita na lang nila na basang basa na yung face mask ko. Minsan, sa tagal ng operasyon natutuyo na lang sya dun. Yakkers.
Naging doktor ako, sabi ng tatay ko, gamitin ko daw lagi gamot ko kase nakakahiya sa mga pasyente ko. Hahahaha. E palagi ko nakakalimutan. At nakakatamad naman kse.
Hindi ako mahilig sa pagkain. Pag ako tinatanong kung saan masarap kumain inuulit ko lang yung mga naririnig ko sa mga kebigan ko. Para saken madalas, ang pagkain ay laman tiyan lang, pampabusog lang bah. Kaya ngayon kahit sinong med rep magyaya sa mamahalin at sikat na restawran ay di ako naeexcite. At hindi ako pupunta kung hindi required. Pag dumadalo ako, hinahayaan ko na lang mga kasamahan kong pumili ng wine galing sa cellar (oo, maarte sila at marunong pa silang tumikim tikim kuno). May mga komento pa silang...."hmmm...tastes like supermarket wine." Mga hunghang.
Hindi na ganun kadalas magdiarrhea ang ilong ko. Kse mas mainam ang panahon dito at wala mashado alikabok (pollen na lang, nakkks, sothialin, pollen daw). Pero ganun pa din ang aking pang-amoy, or the lack of it (nakks, inggles!). Natutuwa naman ako at hindi na sya ganun kasama. So para san pa ang aking ilong? para may tirahan ang mga kulangot. yey!
*****
napaghahalata na naman na wala ako maisulat.

23 Comments:
nakaka-relate ako. Hehe. Minsan nga, tinatakpan ko buong mukha ko na parang nakamaskara ng lumang t-shirt para di maalikabukan at malagyan ng pollen ang ilong ko. dami dami pa naman puno dito. biset. bibilhin ko na yung gamot sa lalong madaling panahon pag nagka-bread na. hehe. *sniff* *sniff*
anhaba namaaaaaaaaan!!!!!! halatang halata na bumabawi sa lack of entries.
pero kung wala kang ganyang condition, hindi ikaw si don. kaya guys, meet my friend formerly known as don. :-P
buti na lang maraming doktor sa paligid mo, para you can have a great deluge of the nose all over again.
naalala kita lagi. tuwing umaga.
kapag sumisinghot ako ng flixotide.
P1,000 na siya. hindi na P700.
*singhot* Hanggang sa Esteyts ba naman dala mo pa rin pagka-uhugin mo. Di ka kaya takbuhan ng mga pasyente mo? :-D
hehehe! kakagana naman kumain---title pa lang! :P
para saan pa ang ilong?
pang-stimulate ng clits habang dinidilaan mo ang pussy lips hehehe o ha, tama naman di ba?
sabi na officemate ko that i try injecting my nose with dextrose fluid [di ko alam ang technical term nito doc]. it worked daw with his kids. and it is cheaper compared to clarinase.
bakit maalat raw ang uhog?
hahahaha besides sa uhog ano pa makikita mo sa loob ng ilong? eh di fingerprint..okay corny lolz :)
halatang wala kang maisulat. nagka-cramps yung daliri ko kaka-scroll down e.
hahahahaha! may nakahalata! si rain! ano namang kagaguhan itong pinagsusulat mo dito? gusto mo lang yata ulit ng hug eh. o, sya. heto na.
mmmmmmmmmmmmmmmmmmmmmmmm!
o, tyt hug yan ha? hihihihihi
mas ok na rin yung walang pang-amoy kaysa color blind. dito sa pinas hirap huminga kasi mabaho ang mga basura at mapanhi ang mga kalsada.
kailangan makarating na rin ako sa tate para mabawasan na rin ang iritation ng mga ilong ko, hahaha
kala ko may mas lalala pa sa akin sa pagkati ng ilong e.. hehe. but then, tuwing kumakati ako ibig sabihin e horny ako... so ibig sabihin pala nun horny ako lagi?
baka ikaw ganun din! halaaaaaaaaaaaaa.....
blog hop :)
naaliw ako sa pagbabasa dito :D
sige lang singhot ka ng singhot. teka, hindi ba lumaki na yang ilong mo kakasinghot?
mabuti na lang nandyan ka na sa tate, bawas trigger factors.
ahahahaha...hahaha...hahaha... ba't di ko alam yong insidenteng nangyari nung c.a.t days!!??!!!.... hahahahahaha....
Mwwwaaahhhh
grabe! sobrang uhugin naman yan. kala ko pag tumatanda, nawawala ang pagiging uhugin ;p
salamat sa diyos at di maarte errr sensitive ang ilong kong malaki.
*doc, ur entries always make me smile. :)
Haay, naku Doc Duke ... hindi ko sana mapanaginipan ang uhog na 'to. :->
asignatura. takpan mo na lang buong muka mo poreber. hehehe. tae, ayaw kse bumili ng gamot e. kung saan saan ginagastos ang pera.
abi. mahaba, wala talaga ako maisulat e. tagal nang di umaatake ang nose ko. pero di pa din sya ganun ka clear.
atticus. aba mabuti naman at sumisinghot ka pa din.
snglguy. Uhugin din mga pasyente ko e. hahhahaha. prepreho lang kami.
mm. yumyum. kain lang nang kain. ihalo mo pa sa kanin yung uhog. parang saluyot. hahahahah!
confessions from a cheap motel. bastush ka. hahahahah!
brenan mercado. saline wash tawag dun. ok yan sa mga infectious rhinitis. pag allergic rhinitis na eh iba na usapan. maalat sya kse may asin. hehehe.
vernaloo. kse suki ka dito, tatawa ako sa dyok mo. hahahahah. pero tama ka pede kunan ng pingerprint yun no. bat di sinusubukan sa CSI yun?
rain. napagod ba mga daliri mo? heheheh.halatang walang maisulat no?
jerome aka bridget jones. nakakaraming hug ka na ah. hahahahaha. salamat.
iskoo. malamang hindi din napapansin ng mga color blind what they are missing. parang ako din, di ko din alam. hehehehe.
van. horny ka mashado. iligo mo yan sa malamig na tubig. magbabad ka sa orocan.
lws. naaliw ka mashado. hehehe. wag naman. baka di mo na ako tantanan nyan. salamat sa dalaw. dalaw ka lagi.
rheiboy17. malaki ilong ko. pero maliit yung butas. nagpascope ako dati, tapos may fracture nga kaya nahirapan pumasok yung scope. yun na ata yung fracture nung highschool ako na napasukan ng sword. oo bawas trigger factors dito pero yung lamig naman ang nagpapagana ng asthma ko.
abstabs. kse bisi kayo nagsisigawan sa harap. eh isa lang akong hamak na platoon leader ng section 19. o ha. mga ulangyang yun.
tin-tin. di nwawala yun. lumalala. hahaha.
alternati. actually pede ko gawin yun excuse para magpaayos ng ilong ko. patangusin ko na nang husto habang pinapaayos ko. hahahaha.
miwa. i'm glad my entries make you smile. sabihin mo saken pag di ka na napasmile sa sulat ko. kahit di ko na mahanap ang link sa blog mo, salamat pa din sa pagdalaw palagi.
bugsy. my uhog will haunt you. awoooooo!!!!!!
Haha! Natawa ako dun sa CAT. Ung tiniis mo para lang di ka mag push up. Gotta hand it to you. Hehe. I wouldn't have been able to resist the urge to wipe it off.
ANyway, hi Mr. I'm a doctor. ^___^
I'm Raydon. Hope you visit my blog too! ;P
http://purple-lantern.livejournal.com
hehehe! naalala ko nga yun mga araw na sabay tyo naglalakad pumasok at umuwi galing s eskwelahan... eh hindi p sementado yun iringan st. dati... buti pl ndi mo kmi nasinghot ano? joke! i enjoyed reading it, nakakatuwa...
the fact that u get so many comments despite that vexing word verification thing shows that people really enjoy how u write. It doesn't really matter what subject u tackle. Pag sinulat mo, parang nakikipagkwentuhan ka lang samin ng lasing. Seriously, it's always nice to read your entries. :)
and sorry i don't always put the journal link.
Nakaka-relate ako. Palagi din kasing irritated ang ilong especially in the months of June to September.
I like reading your blog entry here. Ginawa mong nakakatawa ang mga experiences mo with your ilong noong unang panahon... Thanx for sharing. I enjoyed reading all of those :)
Post a Comment
<< Home