Friday, February 11, 2005

bente pesos


Callao Caves, Penablanca, Cagayan Posted by Hello

Pagbaba ko ng jeep, “mama, kung pede lang po, makikihingi ho sana ng pamasahe namin,” sambit ng aleng hawak hawak ang kamay ng isang bata sa tapat ng simbahan ng Sto. Domingo. Hmm, parang nangyari na to saken dati. Tinanong ko kung bakit wala silang pamasahe. Sinabi nya galling pa daw silang Malabon at binisita daw nila kapatid nya pero di sila nagkita…at wala na silang pamasaheng pabalik. Hmmm, parehong sagot sa natanggap ko dati. Tinalikuran ko na. Inumpisahan kong umakyat sa overpass.

Paglingon ko, andun pa din silang mag-ina, nakatayo. Gabi na nun. Mejo wala nang tao sa kalye. Kainis kainis kainis!! Ayoko ng ganito, ayoko! Bumaba ulit ako. Tanong ko, “di nyo ako niloloko?”. Sabi nya, “ hindi po, sa malabon po talga kami nakatira at wala na kaming pamasahe”.

Dinukot ko ang wallet ko, may bente pa. pamasahe ko bukas sana. Iniabot ko sa ale, “sana po hindi nyo ako niloloko. Hindi po kase ako mayaman at di ko pinupulot ang pera. Eto ho, sana makauwi na kayo.” Sabay talikod at tumakbo paakyat ng overpass mejo nag-aantay tumambad saken ang aking fairy godmother na kamuka nung aleng kumuha ng beinte pesos ko. Pero wala. Plip na ata ako. Natanaw ko silang mag-ina na nag-aantay ng jeep. Sana nakauwi sila nang maayos. Sana di sila nanloloko. Sana may mahanap akong barya para pamasahe ko bukas.

2 Comments:

Anonymous Anonymous said...

yo don bat di kita makita sa cave?

2:41 PM  
Blogger Mac! said...

Well, kung niloko ka nila, cargo de konsyensya na nila yun. Pero, 20 pesos is 20 pesos.... :(

7:21 AM  

Post a Comment

<< Home

[ View Guestbook ] [ Sign Guestbook ]
Get a FREE guestbook here!

Free Web Counter