Saturday, January 14, 2006

Magulang

Galveston Beach.
Ako: mommy anong gusto nyo kainin?
Mommy: yung Hambarjer!
***


Kero's mom: Bili tayo ng album ni Michael Babol!
Kero: mommy, Buble yun.
***


Me: Dad, ano order nyo?
Dad: Picha Pie.
***


Ako: mommy, nasira ata celfone ko.
Mommy: ipaayos mo sa Greenfields, anak.
***


Mahalin natin ang ating mga magulang. ;)

6 Comments:

Blogger atticus said...

three years ago, sa florida:

nanay ko: anak, alam na ba nung kaibigan ni ate mo, ni darryl, na nandito ka sa jacksonville?

ako: hindi po. bayaan niyo na. nag-asawa na iyon.

nanay proceeds to call the guy. putsa. makialam ba sa personal na buhay?

later that afternoon:

nanay ko: ano ba, anak? kanina mo pa kausap iyang barkada ng kuya mo. pasok sa loob!

susku, ano ako, birhen? o maiiwanan na ng biyahe at ipagduldulan ba kahit sa me asawa?

magulang. sala sa lamig. sala sa init.

10:05 PM  
Blogger teripotz said...

Ika nga nila, 'birds of the same feather, flock together.'

Ay teka, tungkol sa Magulang nga pla entry mo no? Kala ko tungkol sa barkada e. Hyuk Hyuk.

Hope you're doing fine jan ;)

2:05 PM  
Blogger chumsychums said...

mami: nung pumunta ka sa bahay ng lola mo sino sino andun?
chums: si lola, si marv, si noel, si auntie arceli.. tas kumakain sila ng lechon.

maya maya..
mami: kumain na kaya sila?
chums: sabi ko nga kanina di ba kumakain sila ng lechon. "not listening" ka, ma.

maya maya ulit..
mami: sino ba andun sa bahay ng lola mo?
chums: de javu ito ma. alam mo yun?

11:16 PM  
Anonymous Anonymous said...

eh san ka nakakita ng tatay na gumawa ng "dungeon" sa loob ng bahay para may "pagtataguan kayo may pumasok na magnanakaw"? may SECRET hiding place din ang aming "fire escape" (na nagpractice pa kami isa isa sa paglabas) at parang jurassic park ang bahay namin sa sa taas ng aming "fence".

nanay ko naman techno savvy. celfone ang kanyang forte. pag may itetext ka sa kanyang improtante sasagot sya after 8 hours na binalik lang din kung ano yung tinext mo! di mo rin pede tawagan dahil di nya din alam pano sagutin dahil nagpapanic.

di ko pagpapalit magulang ko :)

11:36 PM  
Blogger duke said...

ano to, kanya kanyang blogging sa comments page ko? susme. mas mahaba pa mga comment nyo kesa sa main entry ko eh.

buwahahahahah!

tae.

basta labs ko nanay at tatay ko.

6:15 PM  
Anonymous Anonymous said...

muahahaha!!! pasimuno ka kasi doc =D

7:50 PM  

Post a Comment

<< Home

[ View Guestbook ] [ Sign Guestbook ]
Get a FREE guestbook here!

Free Web Counter