Tuesday, November 15, 2005

Leaving on a jet plane


~haym leaving on a jet plane
~i don't know when i'll be back again...ay, kelangan pala alam ko baka huliin ako ng immigration

_______________

alas diyes and biyahe ko mayang gabi papuntang LA-Houston. hala, natatakot ako..baka mawala ako..baka di ko alam gagawin ko eh ang jologs jologs ko pa naman. tatanga tanga pa man din ako mejo.

sabi ng nanay ko dati nung bagong salta ako dito sa maynila, "anak, pag nawala ka, kumuha ka lang ng dyip papuntang quiapo. dun ka na makakakuha ng lahat ng byaheng dyip." yan ang words of wisdom ng aking inay. nakatatak yan sa utak ko. alam kong magagamit ko din yan sa isteyts. mader knows best.

syet. sana di ako pulutin sa kangkungan. may kangkong ba sa isteyts? ano inggles ng kankong?
****

10 Comments:

Blogger chumsychums said...

babaaay!ingat lagi.tanga ka pa naman.iteteks kita mamaya na naiiyak ako.antayin mo ah. hehehe.

2:00 AM  
Blogger kramer said...

masaya ako sa bagong buhay na tatahakin mo, unggoy.

2:52 AM  
Blogger Tina said...

kangkong = swamp cabbage

3:36 AM  
Blogger atticus said...

kakatawa. kakakausap ko lang sa telepono sa best friend ko. magkikita kami sa sm centerpoint. explain siya paano punta roon. sa background naririnig ko ang nanay at kuya niya "ano ba iyang kaibigan mo? hanggang ngayon, tatanga-tanga sa direksion! yakyakyakyak..."

kaya mo iyan. update mo lagi blog mo, ha? with pictures. and stories. ingat! enjoy!

9:36 AM  
Anonymous abi said...

may chikka text naman sa US 'di ba? text kita lagi. good good good luck!!!

p.s. sana wag mo makalimutan yung bigay ko kay ate sha, hokei?????

bahay... pakabait ka... sulat ka... *sabay pahid ng nangingilid na luha sa mata*

waaaaaaaah!!!

hehehe =)

12:49 PM  
Blogger f.r.i.e.d.w.a.t.e.r. said...

sa wakas, matutuloy ka na. huwaw! sabi nga ni atticus, wagi ka talaga! base sa kwento mo, ang dami mong hirap na napagdaanan. karamay mo kami sa bawa't hakbang na tinahak mo. handa kaming makinig sa kwento mo. sana lagi mo kaming maalala lalo na sa paskong ito.

pakatandaan mo ito, duke, maghugas ng kamay pagkatapos mong tumae (kasi walang tabo dyan!)

1:41 PM  
Blogger Rudy man said...

wala palang tabo sa esteyts? wow... astig.

ingatz doc! penge regalo pagbalik. :)

5:02 PM  
Blogger kero said...

wag ka magalala, di ka mawawala kase di ka naman lalabas ng bahay eh. =P don't forget to email kyle & duane para may pagasa kang mamasyal!

God bless.

5:14 PM  
Anonymous van said...

ang makflari ko!!! waaaaaaaaaaaaaaaaah!!!!

PS: ingat ka lagi duke. Mamimiss ka ni Lucky. :)

*hugs na mahigpit na mahigpit*

6:26 AM  
Blogger duke said...

chumsychums, tae ka.

kramer. naks, ok na sana e tinawag mo akong unggoy. sige, unggoy na guwapo pede na. salamas.

xxxtinaxxx. wow, nakita ko din yan sa cookbook. hehe.

atticus, oo, mejo tatanga tanga din ako. i'l update as often as i can but not as often as i want to. baka magsawa naman kayo. hehehe.

abi, meron chika nga. kaso inaayos ko pa sims kong sira sira. tae. mabait naman ako ah. at for the nth time, babalik ako. mageeksam lang po. tae, pang 4th ka nang naluluha.

friedwater. maraming salamat sa pagsubabay sa buhay ko. naks, kaarte. madamdamin ka magsalita.
onga, walang tabo dito, syet. hahahaha!!!

rudy man, walang tabo dito. (pero madaming baso, lalo na yung ginagamit pang tutbras sa banyo. ayos! hahaha!)

kero, thanks for reminding me. i plan to email them one of these days.sa ngayon inaantok ako sobra. hehehe.

van. alam mo ba kung anong nararamdaman ng isang lalake pag hug sya mahigpit ng isang babae? dibdiban na to!!! hahahaah. ayus, makflari mo, utang muna. pabayaran mo ke chariza.

2:00 PM  

Post a Comment

<< Home

[ View Guestbook ] [ Sign Guestbook ]
Get a FREE guestbook here!

Free Web Counter