Black
Bakit kaya pag mayaman ka tawag sayo moreno o morena?
Pero pag mahirap ka, tawag sayo ulikba.
Tolits: Di naman po ako tisoy eh.
Pero pag mahirap ka, tawag sayo ulikba.
Tolits: Di naman po ako tisoy eh.
take the rate, rhythm, axis, check for hypertrophy, RAH (II,III,AVF), LAH (I,II,AVL), RVH (V1 or V2 greater than 7.5), LVH (V5 or V6 where R>25, RBBB (V1-V3), LBBB (V4-V6), Blocks, Ischemia, and Infarcts. go figure.
13 Comments:
Ganun pala yon, kaya pala mayaman si Tito Germs, Moreno pala siya!
Panahon pa ng kastila may distintion na kahit pare-pareho sila ng lahi. May tinatawag na peninsulares ( kastilaloy naipinanganak sa Iberian Peninsula) at insulares (kastilaloy na ipinanganak sa Las Islas Filipinas.)
Ay, sori. Negra kaya ang tawag sa akin ng mga politically-correct na tao sa paligid ko.
Seriously, panahon pa ni Rizal problema na iyan.
At batay sa pag-aaral, ang numero unong produkto ngayon pagdating sa sales at advertising ay...tadah...mga sabong pampaputi. (at kinumpirma ito ng isang kaibigan kong manager sa isang sikat na eklat store)
Ako? Negra na kung negra, labs ko ang kulay ko. At wish ko ngang umitim pa dahil namumutla na ako sa loob ng opisina. Haba, ano? Hindi na ito comment. Post na ito.
pustahan tayo, pag nakatalikod yang mga mayayamang "moreno't morena" ang tawag sa kanila nina Inday at yaya: Ulikba/Negro/bakulaw.
it takes great fortitude to love one's skin color. yung mga puting kano, nagbibilad at gumagamit ng tanning lotions para lang umitim. at ani nga ni Atticus, sa mga pinoy, hit na hit naman ang mga pampaputi.
ang sabi ko nga, "mataba ka man o payat, maputi ka man o maitim, kung maganda ka, maganda ka talaga!"
sige na nga, in your case, "kung gwapo ka, gwapo ka talaga."
wala sa kulay yan...nasa pagdadala yan...=)
i've learned to embrace the fact na sa aming magkakapatid ako ang pinaka-kayumanggi (maputi kasi talaga sila...hehe), and I feel good about it.
Di kaya nasa isip lang natin yan. Feeling ko kasi, pagkasama ng mayaman ang mga kaibigan nya, "Nognog", "Pekto" o "Bakulaw" sya pa rin. Kahit magging Senador or Presidente ka pa, sa mga kababata mo, si "Payatot", "Singkit" o "Kirat" ka pa rin. Di naman kasi uso ang social consciousness sa mga bata. E bata ka pa rin pagkasama mo mga kababata mo.
eksotik pa ren byuti mo. mwehehe.
bakit tawag sa akin ng mga tao, unggoy. potah luge ata ako.
pero sa totoo lang, hindi ko trip yang mga produktong pampaputi. idinidiin nila na gaganda ka lang kapag kahit papaano e lumiwanag ang balat mo. malalim ang pinanggalingan ng ganitong bulok na pag-iisip. nakakalungkot nga lang na ginagamit pa ng mga kapitalista para pagkakitaan at lalong lumalakas ang pangangailangan ng iba na baguhin ang kanilang kulay.
(pwede nating isabit ang mga taong gustong magpatangos ng ilong, magpatangkad, at nagpapa blonde ng buhok. kahit anong bagay na pinoy, pangit. pag galing sa ibang bansa, maganda.)
ang msasasabi ko lang: putangina.
at idadagdag ko na rin ang pagdidiskrimina ng mga pinoy mismo sa kapwa pinoy. tingnan mo yan. ang mahirap kapag nagtrabaho, ang tawag nila: hanap-buhay. ang mayaman naman na naisipang magtrabaho, ang tawag nila: hobby.
ang mga mayayaman na nagsasalita, nageexercise lang ng freedom of expression. ang mahihirap na nagsasalita, nagpapapansin lang at gusto maambunan ng pera.
steady lang marcmarc. puso mo. hehehe. BASTA EKSOTIK PA REN BYUTI NI DOK! WALANG KAKUPASKUPAS! wooyeaaaah.
atoy, ang lalim naman. may peninsulares at insulares pa.
atticus, negra ka pala. ako din. labs ko kulay ko. mahirap nga lang hanapan ng kulay minsan. hahaha.
miwa, brown is byutipul.
kero, guwapo talaga ako sabi ng mommy ko. mothers know bestest.
goryo, mabango utot ko. gustung gusto ko amuyin e.
somnambulis_nocturnal, tama ka dyan. nasa pagdadala yan. minsan nga lang nakakapagod magdala. pero pag di ka naman nag-ayos e iba naman tingin sayo. biset.
anonymous, may point ka. pero kung oobserbahan mong mabuti, iba pa din ang pakikitungo ng tao sa may kaputian at sa di masyadong kaputian, lalo na pag di kilala.
chumsychums.
friedwater, onga, di man lang nila ipantay hanggang leeg. mukha tuloy silang mamaw.
kramer, unggoy, poot ba yan? di ka naman galet? galet na galet lang? dinibdib mo masyado pare, pang 3 entries na ang post mo. hahahaha! easy lang, pogi tayo. period.
mga ungas, mas mahaba ang mga comments nyo kesa sa actual post ko. pero oks to. ayus. panalu.
Teka teka.. puro kayo itim at puti. Dilaw naman:
pag mayaman - chekwa
pag mahirap - may hepa.
PS: Mag bababad na rin ako sa araw para matawag na eksotik tulad mo. :P
Duke, dito sa amin, it's not "moreno" or "morena". It's ati (ati-atihan of Iloilo, remember?).
Post a Comment
<< Home